Agsunta - Wakasan Lyrics (Himig Handog 2018)


"Wakasan" Lyrics
Agsunta
Himig Handog 2018



Hindi man ikaw at ako
Sa kabanatang lagi akong talo
Kayo ang bida, ako ang kontrabida
Sa kuwentong lagi na lang akong umaasa

Mananalangin sa May-Akda
Baka sakaling may magawa
Ang kapalarang 'Ikaw-Ako'
Sana nama'y itadhana

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang sa wakas

'Di man ikaw at ako
Sa mga kuwentong wala sa kuwadro
Sa mga istoryang bitin at alanganin
Ng mga nobela, komiks at magazine

Mananalangin sa May-Akda
Baka sakaling pagbigyan
Ang kuwentong 'Ikaw-Ako' naman
Ang aabangan, tutunghayan

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako hanggang...

Sa dulo ay lalaban
Walang alinlangan
Patuloy lang ako
Kahit na maubusan
'Di papatalo
Makuha lang ang gusto ko

La la la la la
La la la la la la
La la la la la
La la la la la la
La la la la la
La la la la la la

La la
La la
La la la
La la la

Maghihintay pa rin itong puso ko
Mag-aabang hanggang maging tayo
Sakali mang hindi pa pagkakataon
Baka bukas na ang tamang panahon
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Sa wakas


Himig Handog 2018
Love Songs & Love Stories
Top 10 Finalists

"Dalawang Pag-Ibig Niya"  By Krystal Brimner, Sheena Belarmino and MNL48
"Hati Na Lang Tayo Sa Kanya"  By Eumee
"Kababata"  By Kyla and Kritiko
"Mas Mabuti Pa"  By Janine Berdin
"Para Sa Tabi"  By BoybandPH
"Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong"  By JM de Guzman
"Sugarol"  By Maris Racal
"Tinatapos Ko Na"  By Jona
"Wakasan"  By Agsunta
"Wala Kang Alam"  By Sam Mangubat

 


Agsunta - Wakasan Lyrics (Himig Handog 2018) Agsunta - Wakasan Lyrics (Himig Handog 2018) Reviewed by Jim Lloyd on October 14, 2018 Rating: 5

1 comment:

Ads
Powered by Blogger.