Sarah Geronimo - Hingang Malalim Lyrics


"Hingang Malalim" Lyrics
Sarah Geronimo



Tahimik ang aking paligid
Pati ang aking isip, walang diwang kumukuliglig
Malinaw, 'sing liwanag ng araw ang daang aking tinahak
Ang mundo'y aking kasayaw

Mga pangarap na natupad
Mga panaginip na naging katotohanan
Naghabol at umakyat
Ngunit ang lakbay ay mahaba pa, at ako'y hinihingal

Kay layo ng linakad ko
Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto
Parating na ang dapit-hapon
Manalangin, mag-pahinga, pumikit
Hingang malalim

Alaala, nagbibigay ng ginhawa
Kapag ang bukas ay puno ng anino ng kawalan

Mga pangarap na natupad
Mga panaginip na naging katotohanan
Naghabol at umakyat
Ngunit ang lakbay ay mahaba pa, at ako'y hinihingal

Kay layo ng linakad ko
Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto
Parating na ang dapit-hapon
Manalangin, mag-pahinga, pumikit

At pagdating ng bukang-liwayway
Babangon, maghahanda
At lahat ay ibibigay muli

Kay layo ng linakad ko

Kay layo ng linakad ko
Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto
Parating na ang dapit-hapon
Manalangin, mag-pahinga, pumikit
Hingang malalim
 
Sarah Geronimo - Hingang Malalim Lyrics Sarah Geronimo - Hingang Malalim Lyrics Reviewed by Jim Lloyd on September 24, 2018 Rating: 5

No comments:

Ads
Powered by Blogger.