Midnight Meetings - Bahala Na Lyrics


"Bahala Na" Lyrics
Midnight Meetings



Ngayon lumisan ka hindi
Alam anong gagawin
Hindi inisip na sa'yong pag-alis
Ako pala ay hihingi
Ng oras makasama ka kahit saglit
Mahawakan 'yong kamay muli
Kung pwede lang tumigil ang panahon
Gagawin lahat 'wag lang ikay lumayo

Maghihintay o maghihimlay
Aasa o ipa-uubaya na lang ba sa tadhana
O di kaya bahala na
Magbabalik pa kaya ikaw sa aking piling
Itigil o ipipilit
Uurong o itutuloy
Ano mang isip ang gawin
Wala ka pa rin sa'kin

Nagbibilang ng araw na ako'y sadyang nag-iisa
Ngayon wala ka na doon nadadama bawat saglit
O kay tagal, o kay tagal

Susubukan na bang makalimot na?
May babalikan ka pa kaya?
Kung pwede lang pigilin ang panahon
Hindi na dapat kita binitawan

Maghihintay o maghihimlay
Aasa o ipa-uubaya na lang ba sa tadhana
O di kaya bahala na
Magbabalik pa kaya ikaw sa aking piling
Itigil o ipipilit
Uurong o itutuloy
Ano mang isip ang gawin
Wala ka pa rin sa'kin (bahala na x6)
Ano mang isip ang gawin
Wala ka pa rin sa'kin


 


Songs by MIDNIGHT MEETINGS


Midnight Meetings - Bahala Na Lyrics Midnight Meetings - Bahala Na Lyrics Reviewed by Jim Lloyd on July 06, 2018 Rating: 5

No comments:

Ads
Powered by Blogger.