JBK - Maibalik Lyrics
"Maibalik" Lyrics
JBK
Mula sa sulok ng iyong mga mata
May mga luhang ng hinanakit
Na nagmula sa akin
Di ko sinasadya
Mundo natin di magtugma'y
Ilalapit sa mga yakap
At halik mo'y nanabik
Ako ngayon ay nag sisisi
Sana ay maibalik ang mga oras,
Ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon
Na maibalik mga ngiti mo na abot langit
Kapag ako ang iyong kapiling
Nakita mo aking pananakit
ngunit ako'y pinili mo parin
Ang nabitawan kong puso mo'y
Nais ko sanang subukang ibalik
Sa mga yakap at halik mo'y nanabik
Hanggang kailan mag-titiis
Sana ay maibalik ang mga oras,
Ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon
Na maibalik mga ngiti mo na abot langit
Kapag ako ang iyong kapiling
Patawarin mo sana sinta
Maari ba tayong magsimula?
Muling yakapin aking pagmamahal
Sana ay maibalik ang mga oras,
Ang mga araw at mabigyan ng pagkakataon
Na maibalik mga ngiti mo na abot langit
Kapag ako ang iyong kapiling
Sana ay maibalik...
Sana ay maibalik...
JBK - Maibalik Lyrics
Reviewed by Jim Lloyd
on
October 02, 2018
Rating:
No comments: