Sabu - Pikit Lyrics


"Pikit" Lyrics
Sabu



Di ko pa kayang sabihin
Baka di mapanindigan
Kahit gusto na kitang angkinin
Di pa oras, baka lang masaktan

Sana'y malaman mo
Naghihintay ako
Kahit ngayon tayo'y kaibigan lang
Tuwing yayakapin ng iba
Patawad kung ako'y pipikit na lang

Puso ma'y gustong gumising
Di pa pwedeng pumiglas
Pagkat tulad ng pag-ibig
Lahat may takdang oras

Sana'y malaman mo
Naghihintay ako
Kahit ngayon tayo'y kaibigan lang
Tuwing yayakapin ng iba
Patawad kung ako'y pipikit na lang

Tatanda't matututo
Kung tayo, tayo
Ngayo'y isusuko
Hanggang panahon
Tatanda't matututo
Kung tayo, tayo
Ngayo'y isusuko
Hanggang panahong ipaglaban

Puso ma'y gustong gumising
Di pa pwedeng pumiglas
Pagkat tulad ng pag-ibig
Lahat may takdang oras

Tatanda't matututo
Kung tayo, tayo
Ngayo'y isusuko
Hanggang panahon
Tatanda't matututo
Kung tayo, tayo
Ngayo'y isusuko
Hanggang panahong ipaglaban

Tatanda't matututo
Kung tayo, tayo
Ngayo'y isusuko
Hanggang panahon
Tatanda't matututo
Kung tayo, tayo
Ngayo'y isusuko
Hanggang panahong ipaglaban

Sana'y malaman mo
Naghihintay ako
Kahit ngayon tayo'y kaibigan lang
Tuwing yayakapin ng iba
Patawad kung ako'y pipikit na lang


Sabu - Pikit Lyrics Sabu - Pikit Lyrics Reviewed by Jim Lloyd on August 17, 2018 Rating: 5

No comments:

Ads
Powered by Blogger.